Lacuna-Pangan at Servo-Nieto, sabay na naghain ng COC para sa panibagong termino sa Manila LGU

SABAY na nagtungo sa Comelec filing center sa Manila sina incumbent Manila Mayor Honey-Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo -Nieto upang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa panibagong termino bilang mayor at vice mayor ng lungsod.

Kapwa kabilang sina Lacuna-Pangan at Servo-Nieto sa Partido Asenso Manileño.

Mula sa Manila City Hall ay sabay naglakad ang dalawa patungong SM Manila kung saan naroon ang Comelec filing site na narating nila pasado alas 10 ng umaga.

Sinabi ni Lacuna-Pangan na ang kanyang muling pagtakbo ay upang maipagpatuloy ang mga programa at proyekto na itinaguyod nila ng kanyang bise-alkalde.

Dumagsa naman ang kanilang mga taga suporta maging ang kani-kanilang mga pamilya.

Sinabi naman ni Servo-Nieto na iisa lamang ang mga adhikain niya at ng bawat konsehal para sa bayan  kaya nangako ito na kanilang aayusin ang Konseho ng Maynila.

Naniniwala naman si Lacuna-Pangan na mas maganda kung nasa iisang partido ang Mayor at Vice Mayor dahil iisa lang ang adhikain at karaniwang kapag nag-iiba aniya ang administrasyon ay hindi natutuloy ang kanilang mga nasimulang programa o proyekto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.