Paggamit ng bakuna na ‘ivermectin’, pinayagan na ng DOH

Share this information:

PINAYAGAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “Compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao.

Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19.

“May isang ospital na nag-apply for compassionate use at na-grant na nga ng araw na ito”, ayon kay Domingo.

Una nang sinabi na ang gamot na Ivermectin ay pinahihintulotan lang na gamitin para sa hayop at hindi pinapayagan para panggamot sa tao lalo na para sa panlaban sa COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni Domingo na ang nasabing “compassionate use” permit sa paggamit ng Ivermectin ay naiiba mula sa nakabinbing aplikasyon ng dalawang local na manufacturers na humihingi ng certificate of product registration para sa Ivermectin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

"Not everyone will receive ECQ's emergency subsidy" - Mayor Cruz

Thu Apr 8 , 2021
GUIGUINTO Mayor Ambrosio Cruz Jr., President of League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Bulacan Chapter clarified that not everyone will receive the emergency subsidy or “Ayuda” came from the national government. Earlier the Department of Budget and Management (DBM) has sent the allocated P2.9 billion emergency subsidy to 21 municipalities […]

Follow Us

%d bloggers like this: