Hermosa LGU namahagi ng welding starter tool kits tulong sa pagbangon ng ekonomiya

Share this information:

PINANGUNAHAN ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang pamamahagi ng mga welding starter tool kits sa 86 benepisyaryo sa bayan ng Hermosa, Bataan nitong araw ng Miyerkoles, April 7, 2021.

Ayon kay Mayor Inton, ito ay upang maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan ng kanyang mga kababayan at ekonomiya kaya’t nakipag tulungan ang Hermosa LGU sa TESDA, kasama ang PESO upang makapagkaloob ng mga welding starter tool kits para sa 86 Hermoseñong benepisyaryo.

Kasama sa pamamahagi ng mga starter kits sina Ofel Datu mula sa PESO, Provincial TESDA Director Julie Ann Banganan at kanyang staff, at Acuña Welding School personnel.

Ang mga starter tool kits ay tinanggap ng mga nagtapos ng SMAW II at GTAW NC II Training sa Acuña Welding School Inc.

“Ang mga welding kits po na ito ay galing sa AANGAT TAYO Party List at MAGDALO Party List. Naglalaman ang kits ng Inverter Welding Machine at mga accessories, Portable Grinder at Welding Mask,” sabi pa ng alkalde.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Paggamit ng bakuna na ‘ivermectin’, pinayagan na ng DOH

Thu Apr 8 , 2021
PINAYAGAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “Compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao. Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational […]

Follow Us

%d bloggers like this: