KUKUMBINSIHIN ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia ang Commission en banc na ipagbawal ang paggamit ng deepfake at AI (Artificial Intelligence) sa panahon ng kampanya para sa 2025 mid-term elections.
Ayon kay Garcia, marami ang tiyak na malilito dahil sa “misrepresentation” at maraming hindi makakatotohanang nangyayari kapag ginagamit ang AI.
“Alam po natin ang modern technology. Bakit ba hindi,?” saad ni Garcia subalit dagdag niya, kailangan na kapag panahon ng kampanya ay nakikita dapat mismo ng sambayanan ang mga kandidato.
Dahil dito, nais ni Garcia na mapakinggan ang saloobin ng en banc kaugnay sa isinusulong niyang pagbabawal sa paggamit ng AI at deepfakes sa nalalapit na kampanya.