Breaking News

Share this information:

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang pagbibigay ng Safety Seal Certification sa pamunuan ng Robinsons Place Manila.

Kasama ng alkalde sa nasabing aktibidad sina Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya at Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan. 

Dahil sa ginawang hakbang ng pamunuan ng mall, nagpasalamat si Domagoso sa pagkuha ng Safety Seal Certification bilang patunay na nakakasunod sila sa inilatag na health protocols ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Isang malaking hakbang din aniya ito upang tularan ng iba pang negosyo o establisimiyento para maging  ligtas ang publiko laban sa virus. 

Paraan din ito para unti-unti nang makabangon ang ekonomiya sa lungsod ng Maynila. 

Nabatid na may ilan na ring mga establisimiyento sa nasabing mall ang nauna nang nakakuha ng mga Safety Seal Certification para sa kanilang negosyo.

Ang naturang mall ay isa rin sa napiling pagdadausan ng pagbabakuna mula sa  A1 to A3 priority group gamit ang CoronaVac vaccines ng kumpanyang Sinovac ng China.

Kaugnay nito, hinikayat na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong establisimiyento na mag-apply para sa safety certificate upang makumpirma ang kanilang pagsunod sa minimum public health standards na itinakda ng gobyerno.

While the application is voluntary, I highly encourage our private business owners to seek for the safety certification to help increase public confidence,” ani Bello.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: