Breaking News

Share this information:

PATULOY na dumarami ang mga hindi makabiyahe dahil sa pananalasa ng Bagyong Dante.

Ayon sa pinakahuling update ngayong umaga ng Philippine Coast Guard (PCG), umakyat na sa 3,360 ang mga pasaherong stranded sa 63 pantalan sa bansa dahil sa nasabing bagyo.

Mula ito sa mahigit 2,800 na mga pasahero na apektado ng bagyo hanggang kagabi base sa impormasyong ibinahagi ni Commodore Arman Balilo, tagapagsalita ng PCG.

Nasa 71 mga sasakyan pandagat at 3 motorbanca ang hindi pinayagang maglayag dahil sa bagyo at malalaking alon.

Naka-tengga naman sa mga daungan ang 1,078 rolling cargoes o mga trak na may mga kargamento.

Samantala, nasa 85 mga barko at 74 na mga bangka ang sumilong muna upang makaiwas sa panganib na dala ng bagyo at mga matataas na alon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: