Pagbabayad ng blood money sa pamilya ng napatay na OFW sa Kuwait, ipinatitigil ng DFA

INIUTOS na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait na ipatigil ang pagbabayad ng P7.5 million blood money sa pamilya ng napatay na overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende.

Sa kanyang Twitter account, hinihingi ni Locsin ang ulat mula kay Philippine Embassy in Kuwait Chargé d’Affaires Mohd. Noordin Pendosina Lomondot kung ano ang kanyang naging hakbang para maipatigil ang pagbibigay ng blood money.

Idinagdag pa ni Locsin na dapat tumbasan na lang ng Pilipinas ang ini-alok na blood money sa naulila ni Villavende.

Kailangan din aniyang tiyakin ni Lomondot na maipapataw ang parusang kamatayan sa employer ng OFW sa Kuwait.

Una nang sinintensyahan ng parusang kamatayan ang babaeng employer ni Villavende habang pagkakapiit ng apat na taon naman sa lalaking employer nito makaraang mapatay ito sa bugbog dahil sa umano’y pagseselos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.