Hotel sa Baguio City, pinagpapaliwanag na ng DOT dahil sa idinaos na party

Share this information:

BINIGYAN ng Department of Tourism ng tatlong araw mula ngayon para magpaliwanag ang isang hotel sa Baguio City dahil umano sa pagdaraos ng party duon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, naipadala na ng DOT Cordillera Administrative Region (DOT-CAR) ang Notice to Explain sa nasabing hotel na accredited ng Kagawaran.

Depende na aniya sa magiging paliwanag ng may-ari ng hotel at sa resulta ng imbestigasyon kung ano ang susunod na hakbang ng DOT.

Una nang naging viral sa social media ang video ng party na ginanap sa nasabing hotel na dinaluhan umano ng ilang celebrities at makikita na walang nakasuot na face mask o face shield at hindi nasusunod ang social distancing ng ilan sa mga dumalo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

3,000 dayuhan, pinalayas sa PH

Tue Jan 26 , 2021
UMABOT sa 3,000 mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Law, ayon sa Bureau of immigration. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na naguna sa listahan ang Chinese na 3,219 noong 2020, sumunod ang Vietnamese (60) habang 40 ang Koreans, 25 […]

Follow Us

%d bloggers like this: