Breaking News

Share this information:

INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na posibleng sa Hunyo ay masimulan na rin ang COVID-19 vaccination para sa mga nasa A4 category o yaong mga essential workers.

Gayunman, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ito ay depende pa rin sa dating ng mga bakuna sa bansa.

Aniya, sa Hunyo ay inaasahang darating pa sa bansa ang may karagdagan pa aniyang 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine.

Nilinaw rin naman ni Cabotaje na sa NCR Plus pa lamang masisimulan ang pagbabakuna sa A4 category.

Sa pagtaya aniya ng National Economic and Development Authority (NEDA), nasa 22.4 milyon indibidwal ang nasa ilalim ng naturang kategorya at ang 13 milyon dito ay nasa NCR Plus areas.

Kaugnay nito, nabatid na pag-uusapan pa kung sino ang unang babakunahan sa ilalim ng A4 category, na kinabibilangan ng economic at state frontliners.

Ipa-prioritize ng mga LGU kung sino iyong kailangan nilang unang mga mabakunahan sa ating mga A4,” ani Cabotaje, sa isang public briefing.

“We will leave it to the LGU to strategize, sino ba ang most at risk, most vulnerable sa mga A4, depende sa kanilang mga lokalidad,” aniya pa. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: