Pagbaba ng kaso ngayong Alert Level 2 na sa NCR, hindi “artificial” — DOH

Share this information:

INULIT ng Department of Health (DOH) na hindi na “artificial” ang pagbaba ng kaso ngayong nasa ilalim na sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nakikita na ang pagbaba ng kaso at  kasabay ng pagbaba ng kaso ay bumama na rin ang admission sa mga ospital.

Bagaman may mga ospital pa rin, sabi ni Vergeire, na puno ang beds lalo na sa ICU ay dahil sa mas matagal ang inilalagi ng severe at critical ng mga pasyente sa mga ospital kaya hindi pa ito nade-decongest.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na naga-average na lamang sa NCR ng 493 kaso kada araw kumpara sa mahigit na 5,000 kaso na average noong mataas pa ang kaso.

Sa buong Pilipinas, noon ay nag-aaverage noong peak ng halos 21,000 kaso kada araw ngunit nagyon ay umaabot na lamang sa mahigit na 2,888 kaso kada araw sa buong bansa.

Gayunman, hindi pa rin masasabi na ligtas na sa mataas na kaso ang ibang lugar sa bansa at pagkapuno ng mga ospital pero nababawasan na ang mga lugar na mayroong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at pagkapuno ng mga ospital.

Sa ngayon ang NCR ay isinailalim na sa Alert Level 2.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

NCR down to Alert Level 2

Fri Nov 5 , 2021
THE Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) approved on Thursday, November 4, 2021, the recommendation to downgrade the National Capital Region’s (NCR) alert level status to Alert Level 2, according to Presidential Spokesperson Harry Roque. The new alert level classification started today, November 5, 2021 […]
%d bloggers like this: