Pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, napansin ng DOH

NAPANSIN ng Department of Health (DOH) ang makabuluhang pagbaba sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas sa nakalipas na dalawang linggo habang patuloy na pinapalakas ng gobyerno ang vaccination roll out.

Sinabi ni Jelyn Lopez-Malibago, DOH Regional Information Officer, na nakapagtala lamang ang rehiyon ng tatlong kaso, ang  pinakamababa mula nang makaranas ang rehiyon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong taon.

This is also the lowest number we had so far since the surge we experienced early this year. Currently, we only have a total of 113 active cases in the region,” ayon kay Malibago.

Noong Martes, nakapagtala lamang ang rehiyon ng 12 bagong kaso ng COVID-19, kabilang ang lima sa lalawigan ng Leyte, apat sa Southern Leyte, dalawa sa Ormoc City, at isa sa Eastern Samar.

Sa Tacloban, ang kabisera ng rehiyon, 81.3 porsiyento ng populasyon ang ganap nang nabakunahan noong Pebrero 26, sinundan ng Biliran na may 80.1 porsiyento, Ormoc City na may 77.8 porsiyento, Southern Leyte na may 67.7 porsiyento, Eastern Samar na may 66.5 porsiyento, Leyte na may 60 porsiyento, Samar na may 57 porsyento, at Northern Samar na may 55.3 porsyento.

Ang rehiyon ay may populasyon na 3,892,126 na kinilala bilang karapat-dapat na makatanggap ng mga anti-COVID-19 vaccines.

Mula sa  bilang na ito, 2,453,594 ay fully vaccinated na samantalang naman 285,271 ang partially vaccinated.

Noong Marso 1, nakapagtala na ang Eastern Visayas ng 61,919 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, kabilang ang 61,151 na nakarekober, at 661 na namatay, at may kabuuang aktibong kaso na 1,107.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.