Breaking News

Share this information:

SINABI ng isang independiyenteng grupo ng mga eksperto na suportado nito ang planong pagpapababa ng Alert Level ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, sa kanilang opinyon, base sa kanilang nakikita, noon pang unang linggo ng Oktubre ay posible nang maibaba sa Alert Level 3 ang NCR.

Ang NCR ay matatandaang nasa ilalim pa ng Alert Level 4 sa ngayon at magtatagal pa ito hanggang sa Biyernes, Oktubre 15.

What we’re seeing is that actually for the first week of October, it was already possible, in our opinion, for a relaxation to Alert Level 3,” pahayag ni David sa isang panayam sa telebisyon.

Sinabi ni David na base sa metrics ng OCTA Research, maaari pang mapababa ang alert level sa rehiyon sa Alert Level 2.

Even Alert Level 2 is possible right now,” dagdag pa nito.

Una nang sinabi ng OCTA na ang NCR ay nasa moderate risk na ngayon sa COVID-19 at ang reproduction number ng rehiyon ay nasa 0.61 na lamang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: