SINIMULAN na kagabi (Huwebes) ang pagi-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa Local Absentee Voting (LAV).
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, nagsimula ito alas 7 kagabi kung saan 60,000 balota ang iimprenta.
“Printing of official Local Absentee Voting (LAV) ballots will begin tonight (Thursday), at the National Printing Office. About 60 thousand ballots will be printed. #votesafepilipinas.”
Iginiit ng pll body na walang mga paunang naimprenta na pangalan ng kandidato dahil ang LAV ballots ay manual ballots.
“LAV ballots are manual ballots, so there will be no preprinted candidate names,” pahayag ni Jimenez.
Nang tanungin naman si Jimenez kung bakit nauna ang LAV ballot printing kaysa Overseas Absentee Voting (OAV) printing, sinabi ni Jimenez na walang partikular na rason.
“No particular reason. After LAV ballots, OFOV manual ballots will be printed (about 79 thousand), followed by approximately 86k BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) ballots,” dagdag pa ni Jimenez.

