Isa patay, isa sugatan sa banggaan ng bus at motorsiklo sa EDSA Quezon City

Share this information:

PATAY ang isang rider habang sugatan ang angkas nito matapos mabangga ng isang bus carousel sa EDSA-bus way sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Leonilo Ronquino, 56 anyos, habang nagpapagaling na sa ospital ang misis nito.

Ayon kay MMDA EDSA traffic chief Edison Nebrija, binabaybay ng mga biktima ang southbound lane ng EDSA nang pumasok ito sa EDSA bus way bago dumating ng MRT North Avenue station.

Nagkataon namang dumaraan ang isang Jell Transit bus na may plakang NFZ 4748 kaya nahagip ang motorsiklo.

Sinubukan umano ng driver ng bus na si Jonathan Villanueva na iwasan ang motorsiklo kaya sumampa ito sa center island ng MRT.

Pero nahagip pa rin nito ang mga biktima na agad ikinasawi ng driver nito at ikinasugat na kanyang angkas.

Kuwento ng misis ng biktima, kumaliwa sila papasok ng bus way matapos silang doon ituro ng sinusundan nilang mobile navigation app.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng bus na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property.

Sa ngayon balik na sa normal ang biyahe sa EDSA busway at naialis na ang mga naaksidenteng sasakyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.