P48M halaga ng sigarilyo nasabat ng Customs sa Subic Freeport

SUBIC BAY FREEPORT – MULI na namang nakasabat ang Bureau of Customs Port of Subic ng pekeng sigarilyo na itangkang ipuslit dito noong August 13, 2021.

Ayon ng BOC ang naturang kargamento ay nagmula sa bansang Cambodia at naglalaman ng mga pekeng sigarilyo na may brand Mighty, Forutne, Two Moon at Marlboro na naka-consign umano sa isang Shemala International Comml Equipment Wholesaling.

Dahil sa 100 porsyentong physical na pagsisiyasat sa kargamento sa pamamagitan Pre-lodgement Control Order (PLCO) ipinag-utos ni Port of Subic District Collector Atty. Maritess Martin na pigilang ilabas ang shipment.

Ipininag-utos din ni Atty. Martin ang Warrant of Seizure and Detention ang nasabing kargamento dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03, series of 2004; NTA Board Resolution No. 079-2005; Section 155 of R.A. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines in relation to Section 1113 (f) of Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Matatadaan nitong lang nakaraang buwan ng hulyo ay nakahuli rin  ang naturang ahensya ng dalawang container na kargamento na naglalaman din ng mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P78 million.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.