P22.2 bilyong pondo ng lungsod ng Maynila para sa 2022, nilagdaan na

Share this information:

NILAGDAAN na ang P22.2-bilyong pondo ng pamahalang lungsod ng Maynila para sa taong 2022.

Ang 53.86 percent o mahigit kalahati ng kabuuang pondo ay ilalaan para sa social services ng lungsod, ayon kay Mayor Francisco Domagoso.

Sa nasabing pondo para sa social services, 16.69 percent nito ay ilalaan para sa healthcare services, 10.72 percent para sa social amelioration program, 5.10 percent para sa food packs, at 3.81 percent para naman sa edukasyon.

Kasama ni Domagoso sina Manila City Vice Mayor Dr. Honey Lacuna, City Budget Officer Atty. Grace Chua, Cong. Yul Servo-Nieto, at mga miyembro ng city council nang lagdaan ang nasabing pondo.

Sinabi nito na gagamitin ang pondo upang ipambili ng gamot para sa mga tao at pasilidad kung saan maaaring ilagak ang mga mai-impeksiyon ng COVID-19.

We will be more vigilant. We will continue to be efficient in expenditures and we will find ways as much as possible to give free and better healthcare for each and everyone not only for COVID-19 but for all other diseases,” dagdag pa ni Domagoso

Sa kabila ng pandemya, sinabi ni Domagoso na patuloy na magtataas ng budget allocation ang pamahalaang lungsod.

Matatandaan na humigit-kumulang P17.8 bilyon ang inilaan na pondo noong taong 2020 habang P20-bilyon pondo naman para sa 2021.

Pinasalamatan naman ng alkalde ang publiko sa kanilang patuloy na pagtitiwala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.