P200K shabu, nakumpiska sa buy-bust; Top 4 MWP, arestado

Share this information:

LAGUNA – NAKUMPISKA ng pulisya ang mahigit P200,000.00 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Biñan City, Laguna, gabi ng Lunes.

Kasabay ng operasyon ay ang pagkakadakip din sa suspek na tinukoy ni Laguna Police Provincial Office (LPPO) Director Police Col. Serafin Petalio II ang suspek na si Welix Diongco y Bombasi, alyas “bombastik”, 42 taong gulang, driver at residente ng Cataran St., Velasco Subdivision, Barangay Tagapo.

Pasado alas 10 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa kanyang tahanan sa nabanggit na lugar.

Narekober mula sa posesyon ni ‘Bombastik’ ang limang pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.

Dinala sa Office of the prosecutor of Binan City ang suspek upang inquest dahil sa paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Samantala, naaresto naman ang rank no. 4 Most Wanted Person sa Municipal Level sa Santa Cruz, Laguna.

Ayon kay Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, Chief of Police ng Sta. Cruz Municipal Police, nasukol ang 43 taong gulang na suspek na nakilalang si Edwin San Miguel y Reyes, nang matunton ito habang pagala-gala sa Bay side, Barangay Calios.

Inihain kay San Miguel ang Warrant of Arrest para sa kanyang kaso sa paglabag sa Violation of Sec. 5 & 11 of RA 9165 na inilabas ni Hon. CYNTHIA R. MARIÑO-RICABLANCA, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 27 noong Nobyembre 23, 2020.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Face-to-face classes sa CEU, aprub kay Yorme Isko

Tue Feb 9 , 2021
Inaprubahan na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  ang mungkahi  ng Centro Escolar University  (CEU) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes  bagamat nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic. Inaprubahan ni Domagoso ang mungkahi kasunod ng pagpupulong sa pagitan ng CEU at ng alkalde kahapon. Kasama rin sa pulong sina […]

Follow Us

%d bloggers like this: