P200B nawala sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa ECQ – DTI

PUMALO na sa halos P200 bilyon ang nawala sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at apat na kalapit lalawigan.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, katumbas ito ng isang porsyentong gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ang nawala sa ekonomiya estimated po ay around 1 percent ng ating GDP (gross domestic product). ‘Yung 1 percent na ‘yun kung tayo ay may GDP na P18 trillion, P180 billion ang estimate na nawala sa ating ekonomiya,” pahayag ni Lopez.’

Una nang ipinatupad ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna simula nuong Marso 29 hanggang Abril 11 dahil sa muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tinukoy ni Lopez na sa dalawang linggong ECQ, tinatayang 1.5 milyong manggagawa ang panandaliang nawalan ng trabaho.

Ngayong MECQ base sa datos natin may mga 500,000 out of 1.5 million ang makakabalik ngayong MECQ. May one million na makakabalik pag na GCQ (general community quarantine) na tayo,” pahayag nito.

Nabatid pa kay Lopez na ang pagbabalik ng NCR Plus sa GCQ ay nakadepende kung sasapat na ang ICU o intensive care unit rooms at hospital beds gayundin kung bumaba na ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala araw-araw.

Base sa estimates, by end of April, makikita kung may improvement na kasama na rin ang ability to contact trace and isolate,” dagdag ni Lopez.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.