P16.9M TUPAD at livelihood packages, handog ng DOLE sa Bulacan

Share this information:

MAIN PHOTO: Makikita sa larawan ang pag-abot ni Department of Labor and Employment (DOLE)-Bulacan Provincial Director May Lynn Gozon kay Baliwag Mayor Ferdinand Estrella ng simbolikong tseke para sa iba’t ibang Kabuhayan Packages. (Larawan mula sa PIA-Bulacan)

NAGKALOOB  ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng nasa P16.9 milyong iba’t ibang livelihood packages at mga emergency jobs sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Displaced and Disadvantaged Worker (TUPAD) para sa mga Bulakenyo sa araw ng pagdiriwang ng Labor Day kamakailan.

Ayon kay May Lynn Gozon, provincial director ng DOLE-Bulacan, may 1,948 na mga Bulakenyo ang binigyan ng emergency jobs kung saan ang bawat isa ay magtatrabaho sa loob ng 10 araw na may pasahod na P4,200.

Kabilang sa trabahong ginagawa rito ay paglilinis ng mga lansangan, pagtatanggal ng mga bara sa kanal, pagpapaganda o beautification sa mga tutukuying lugar sa barangay at iba pang pwedeng pakinabangan sa kanayunan.

May kabuuang P8.1 milyon ang inilaan ng DOLE para sa kasalukuyang batch ng TUPAD sa Bulacan.

Sa loob ng nasabing halaga, 609 ang mga benepisyaryong tinukoy ng Kapitolyo sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO). 

Tig-103 na mga benepisyaryo ang napagkalooban sa mga lungsod ng Meycauayan at Malolos; mga bayan ng San Miguel, Bustos, Angat, Baliwag, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Santa Maria, Marilao, Bulakan at Calumpit.

Aabot naman sa P8.8 milyong iba’t ibang Kabuhayan Packages ang ibinaba ng DOLE na pakikinabangan ng nasa 900 na mga Bulakenyong walang pinagkakakitaan. Sinabi ni Provincial Director Gozon na sa loob ng nasabing halaga, P5 milyon ang ipinagkaloob sa PYSPESO-Bulacan, P1 milyon sa Meycauayan, tig-P500,000 para sa mga bayan ng San Miguel, Bustos, Baliwag, Plaridel at Marilao habang P300,000 para sa Santa Maria.

Nabatid pa na isasailalim sa iba’t ibang livelihood trainings ang mga matutukoy na benepisyaryo at kapag natapos ang panahon ng kanilang mainam na pagsasanay, pagkakalooban sila ng mga starter kits na nagkakahalaga ng nasa P10 libo ang bawat isa.

Naaayon sa pinagsanayan ang ibibigay na starter kits gaya ng food processing, baking, bread and pastry production, massage and therapy, hair cutting, sewing at welding.

Samantala, inilunsad naman ng PESO-Baliwag ang isang Virtual Career Expo na nag-aalok ng iba’t ibang uri ng mga oportunidad sa trabaho sa larangan ng manufacturing, electrical, transportation, retail, information and communications technology, infrastructure, automotive, real estate, agribusiness at academe.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

NAPOLCOM recommends Eleazar to replace Sinas

Mon May 3 , 2021
FROM how it looks, President Rodrigo Duterte will be announcing the next top cop from a list that doesn’t provide choices other than the singular name that was submitted by the National Police Commission (Napolcom). A highly-placed Palace insider told FrontpagePh the name that was recommended by Napolcom is no […]

Follow Us

%d bloggers like this: