Breaking News

Share this information:

TINATAYANG nasa P1 bilyon halaga ng pekeng mga produkto ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa Magallanes, Makati City.

Ang operasyon ay bunsod ng reklamo ng French luxury brand Louis Vuitton, dahilan upang magsagawa ng anti-counterfeit operation ang Intelligence Group – Intellectual Property Rights Division (IG-IPRD) ng BOC sa pakikipagtulungan ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) Port of Manila District Office at ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Armado ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksiyon ang isang storage facility at nadiskubre ang mga pekeng produkto kabilang ang Lacoste, Michael Kors, Macbeth, Adidas, Chanel, Givenchy, Oxygen, Guess, Coach, Gucci, Wrangler, Fubu, Zara, Reebok, Levi’s, Tommy Hilfiger, Jag, Tribal, Bench, Calvin Klein, at Esprit na may market value na P1 billion.

Ang mga sangkot dito ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 118 (f) ng  RA 10863 o kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) and RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines (IPCP).

(PHOTO CREDIT: Bureau of Customs)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: