P1.5-M smuggled pork product mula Germany, nakumpiska

AABOT sa mahigit P1.5 milyon ng smuggled pork products ang nakumpiska ng  Veterinary Inspection Board (VIB) sa Tondo, Maynila ngayong Martes.

Sa ibinahaging impormasyon ng Manila Public Information Office , sinabi ni VIB Director Nick Santos na 302 kahon ng  imported  pork belly mula Germany na tinatayang nasa P1.5 milyong pisong halaga ang nakumpiska sa bahay ng isang  Jonabel Jalimao Factor na matatagpuan sa  J. Abad Santos. 

Ayon kay Santos, nadiskubre na may cold storage  sa loob ng bahay ni Factor kung saan nakaimbak ang 6,040 kilo ng puslit na produkto.

Si Factor ay may negosyo rin sa ilalim ng pangalan na Gou Ren Han Food products.

Gayunman, nalaman na walang rekord sa Manila City Hall nang ito ay beripikahin ni Bureau of Permits Director Levi Facundo.

Nakipag-ugnayan na rin si Facundo  sa VIB para sa tamang aksyon kaugnay sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.