P1.08M halaga ng shabu, nasabat sa Hermosa, Bataan

UMABOT sa mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat mula sa dalawa kataong naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Mambog, Hermosa, Bataan, kagabi.

Ayon sa ulat mula kay Police Major Emerson Coballes, hepe ng Hermosa Police, kinilala ang mga nadakip na sina Danilo Resurreccion, alyas Suave Lagalag, 55 anyos, isang high-value target at nakatira sa Brgy. Mambog, Hermosa, Bataan, at Samsudin Abubakar, 28 anyos, may asawa at residente ng Malagapas, Cotabato City.

Nakuha sa mga suspek ang isang ice plastic bag na may lamang pinaghihinalaang shabu na may bigat na 160 gramo na may Dangerous Drugs Board estimated value na P1,088,000, isang medium- sized heat sealed plastic na may lamang suspected shabu, isang leatherette pouch, isang black sling bag na may lamang caliber. 45 handgun na walang serial number at apat na bala nito, at P12,000 buy-bust boodle money. 

Dinala ang mga nadakip sa himpilan ng Hermosa Police habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) at R.A. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.” 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.