Online seller, patay sa pamamaril sa Balanga City 

crime scene do not cross
Share this information:

NAKAHANDUSAY sa sahig nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang online seller makaraan umanong paslangin ito ng kanyang live-in partner sa Joyous Village, Brgy. Sibacan, Balanga City, Bataan, araw ng Linggo.

Sa inisyal na ulat mula kay Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, kinilala ang biktima na si Regine Austria Ebueng, 33 anyos, residente ng Brgy. Sibacan ng naturang lungsod.

Ang suspek ay nakilalang si Aldrin John Soriano, 40 anyos, taga Brgy. Tenejero, Balanga City na umano’y binaril ang biktima sabay takas sang-ayon sa mga nakasaksi. 

Rumesponde naman ang Balanga City personnel at Health Emergency Management System o HEMS na siyang mag examine sa biktima at idineklarang wala na itong buhay. 

Tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ang selos na isa sa maaaring dahilan ng alitan ng maglive-in partner na nauwi sa naturang krimen. 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon dito ng Balanga Police at pagtugis sa suspek. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.