COVID-19 hospital utilization rate sa lungsod ng Maynila, nananatiling mababa

NANANATILING mababa ang bilang ng siniserbisyuhang mga pasyente ng COVID-19 sa iba’t-ibang ospital sa Maynila. 

Sa pinakahuling tala ng lungsod, nas 13 percent lang ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod habang 15 percent naman sa COVID-19 field hospital.

Nag-laan ang pamahalaang lungsod ng kabuuang 296 beds sa anim na district hospitals para sa mga COVID-10 patients at tanging 37 lamang ang okupado. 

Sa Manila COVID-19 Field Hospital naman na may 344 bed capacity, 53 lamang dito ang may laman. 

Samantala, bakante naman ang lahat ng quarantine facilities sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.