Breaking News

Share this information:

PINAPURIHAN ng Department of Health ang kasalukuyang vaccination program ng Olongapo City dahil sa sistematiko at pakikipag-tulungan nito sa pribadong sector.

Sa isang press briefing, sinabi ni DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire na maganda ang vaccine rollout ng lungsod.

“Sila Mayor Lenj, they have partnered with a private sector unit katulad ng shoemart para magkaroon sila ng malawakang espasyo para sa pagbabakuna,” pahayag ni Vergeire.

Idinagdag pa ni Vergeire na ang ginagawa umano ng lokal na pamahalaan ng Olongapo sa pamumuno ni Mayor Lenj Paulino ay ang dereksyon na nais ng kanilang ahensiya na magaya ng ibang mga bayan.

“Ayaw natin na masisikip na lugar sa pagbabakuna dahil baka magkasakit ang ating mga kababayan, nakikita natin how they take care of their constituents,” saad ni Vergeire.

Ikinatuwa naman ni Paulino ang pahayag ng DOH at sinabi na “nung umpisa pa lang handa naman ang Olongapo, basta may dumating na bakuna, deretso vaccination tayo sa ating mga kababayan.”

Pinasalamatan din ng alkalde ang lahat ng frontline worker sa lungsod kabilang ang mga vaccinators sa ilalim ni Dr. Rodrick Bustamante ng City Health Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: