MAY aasahan ang mga motorista na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na Martes.
Batay sa impormasyon mula sa sources sa industriya ng langis, posibleng bumaba ng 55-sentimo hanggang 95-sentimo kada litro ang gasolina.
Tinataya namang mababawasan ng 20-sentimo hanggang 60-sentimo ang bawat litro ng diesel at nasa 10-sentimo hanggang 50-sentimo sa kerosene.
Ang paggalaw sa presyuhan ng produktong petrolyo ay bunsod umano ng posibleng imbentaryo ng US crude at senyales ng naka-ambang tigil-putukan sa Gaza.
Sa monitoring ng Department of Energy (DOE), umabot na ng P5.95 kada litro ang itinaas ng halaga ng gasolina, P4.05 kada litro sa diesel at 50-sentimo kada litro mula nuong Enero ng kasalukuyang taon.