5 sugatan sa pagsalpok ng bus sa trak sa Camarines Sur

LIMA ang iniulat na nasugatan nang sumalpok sa nakaparadang trak ang pampasaherong bus sa Andaya highway, Barangay Cabutagan, bayan ng Lupi sa Camarines Sur.

Batay sa paunang impormasyon ng Lupi Municipal Police Station, naganap ang aksidente dakong alas-kuwatro ng madaling araw ng Sabado.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay nawasak ang unahang bahagi ng bus at inabot ng halos tatlong oras ang rescue operation bago tuluyang naialis sa pagkakaipit ang drayber ng bus.

Maliban sa drayber ng bus na nagtamo ng matinding mga sugat sa katawan, apat na pasahero rin ang nasugatan sa aksidente na ngayo’y nagpapagaling sa ospital.

Patuloy pang sinisiyasat ng pulisya ang sanhi ng aksidente at tinitignan ang posibilidad na nagkaroon ng problemang teknikal ang bus kaya’t nawalan ng kontrol ang drayber nito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.