Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol; pagyanig ramdam sa Metro Manila 

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang Occidental Mindoro na naramdaman sa iba pang lugar sa Southern Tagalog at Metro Manila, Lunes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-3:22 ng hapon nang maitala ang pagyanig na ang episentro ay natukoy sa layong 16 kilometro ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

May lalim na 106 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ng mga residente ang Intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Intensity II sa Quezon City.

Samantala, batay naman sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IIIsa Calapan City; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Intensity II sa Batangas City; San Jose, Occidental Mindoro; Tagaytay City; Magalang, Pampanga; at Intensity I sa Muntinlupa City; Carmona, Cavite.

Hindi inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang lindol ngunit posible ang aftershocks.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.