Heart inflammation dahil sa Pfizer at Moderna, wala pang naitatala sa Pilipinas

Share this information:

SINABI ni Department of Health (DOH) Usec at spokesperson Ma. Rosario Vergeire na wala pang naitatalang kaso ng “heart inflammation” o pamamaga ng puso sa Pilipinas para sa mga nabakunahan kontra COVID-19 gamit ang Pfizer at Moderna vaccines.

Ayon kay Vergeire, ang mga ulat ng ilang kaso ng “rare heart inflammation” sa ibang bansa ay  nakarating na sa DOH matapos maiturok ang  Pfizer at Moderna.

Sa Amerika, idinagdag na ng US Food and Drug Administration o FDA ang rare risk ng pamamaga ng puso sa “warning to patient” at “provider fact sheets” para sa Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines.

Sa Pilipinas, sinabi ni Vergeire na wala pang karanasan ng ganitong kaso o pangyayari.

Aniya, mainam na hintayin na lamang din ang manufacturers na magbigay ng opisyal na abiso na isinama na nila ang rare heart inflammation bilang bahagi ng “warnings” o babala sa kanilang bakuna.

Ang Pfizer vaccine ay isa sa ginagamit na bakuna laban sa COVID-19 sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.