Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang isang construction worker habang pinaghahanap pa ang dalawang kasabwat nito matapos pasukin at pagnakawan ang isang online shop sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Wilfredo Arias, 28 anyos, ng No. 33-34 Pinagsabugan, Brgy. Longos habang pinaghahanap pa ng mga pulis si Dindo Vilela, 38 anyos, at isa pang hindi kilalang kasabwat ng mga ito.

Sa pahayag ng mga nakasaksi kina police investigator PSSgt. Michael Oben at  PSSgt. Jeric Tindugan, dakong alas-4:30 ng madaling araw, nakita nila na sakay sa isang tricycle ang mga suspek at sapilitang binuksan ang pinto ng Jheylyn Online Shop sa No. 15 Sanciangco St., Brgy., Tonsuya gamit ang steel saw.

Nang makapasok ang mga suspek, kinuha nila ang P15, 000 cash, apat na kahon ng Cadbury chocolate, isang kahon ng orange juice, apat na kahon ng Oreo Cup, isang kahon ng keso (150 piraso), at tatlong tig-isang litro bote ng Alfonso brandy na umabot lahat sa P45,350 ang halaga.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng get-away na tricycle habang ipinaalam naman ng mga saksi sa biktimang si Raynalyn Neri, 27 anyos, businesswoman ng No. 7 Pasco St., Brgy. Tonsuya ang insidente.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod at Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Arias at nakumpiska ang ginamit nilang get-away vehicle subalit hindi na narekober ang mga ninakaw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: