“No vaccine, No Salary” policy ng ilang employer, labag sa batas — DOLE

Share this information:

ANG pagpapatupad ng “No Vaccine, No Salary” na polisiya ng ilang employer ay labag sa batas, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). 

Ito ang nilinaw ni DOLE Secretary Silvestre Bello III  matapos marinig sa media interviews ang kinatawan ng Associated Labor Unions -Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP)  na may ilang mga employer ang hindi nagbibigay ng sahod dahil hindi bakunado ang ilang empleyado. 

Ayon kay Bello, ilegal ang naturang polisiya at inaabisuhan ang mga empleyado na ireport sa DOLE ang mga employers na nang iipit ng sahod.

“Bawal yan. Labag sa batas nga ‘yan. You cannot withhold the salary of the employee, of the worker without legal basis,” ani Bello.

Sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na reklamo kaugnay sa ganitong usapin at narinig lang nila ito sa radio interviews.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Fully vaccinated seniors can go out of their homes -- Palace

Tue Oct 19 , 2021
THE government said fully vaccinated senior citizens will now be allowed to go outside of their homes and visit malls within the National Capital Region (NCR) Malacañang said this on Tuesday as Presidential spokesperson Harry Roque responded to concerns that malls still refuse entry to senior citizens aged 60 and […]
%d bloggers like this: