No disconnection policy ng Meralco, extended sa Enero 2021

PINALAWIG pa ng Manila Electric Company (MERALCO) ang no-disconnection policy nito hanggang Enero 31 ng susunod na taon.

Inihayag ito ni House Speaker Lord Allan Velasco kasunod ng kanyang pakiusap sa Meralco na palawigin pa ang grace period sa mga kustomer nito upang makapagbayad.

Iginiit ni Velasco na makatutulong ang extended grace period upang makabawas sa iniisip ngayon ng maraming mga Pilipino sa gitna ng pandemya at nagdaang kalamidad.

Una nang sinulatan ni Velasco si Meralco President Ray Espinosa para itakda hanggang sa Enero 31 ng taong 2021 ang hindi muna magputol ng kuryente kung hindi pa nakukumpleto ang bayad.

Aabot sa mahigit tatlong milyong kustomer ng Meralco na kumukonsumo ng 200 kilowatt kada oras pababa ang makikinabang sa pagpapalawig ng grace period ng pagbabayad ng electricity bill.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.