NLEX, pinagso-sorry o pinapadeklara ng toll holiday sa isyu ng RIFD system

PINAGSO-SORI ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) o pinagdedeklara ito ng toll holiday dahil sa problemang idinulot ng implementasyon ng RFID cashless payment system.

Ayon kay Gatchalian, opsyon ng NLEX na huwag maningil ng toll hangga’t hindi nito naiaayos ang kanilang serbisyo.

“The least NLEX can do is Publicly apologize to the ridding general public and while fixing its RFID system — toll holiday muna,” pahayag ni Gatchalian.

“Walang singilan hanggang madeliver nila ang maayos na service sa mga toll plaza nila,” dagdag nito.

Ang hirit ni Gatchalian ay kasunod na rin ng naranasang mabigat na daloy ng trapiko sa toll plaza ng NLEX mula nang i-arangkada ang cashless payment system nito nuong Disyembre 1.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.