Negosyante, patay sa ambush sa Bataan

Share this information:

PATAY ang isang lalaki matapos itong tambangan ngayong Martes ng umaga sa Daang Mabatang, Sitio Gasak, Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan.

Ayon sa ulat ni Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, kinilala ang biktima na si Fernando Forbes, 73 anyos, isang dragon fruit farm owner, at residente ng Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, lulan ang biktima ng kanyang Wrangler Jeep (RCR-266) papasok sa kanyang farm nang bigla umanong may dumating na dalawang lalaki at ang isa dito ay bigla na lamang binaril ang biktima sa ulo at dibdib saka mabilis na tumakas.

Ayon sa mga nakasaksi nakasuot umano ng pula at red shirt ang dalawang suspek na armado ng short firearms at tumakas lamang sa pamamagitan ng pagtakbo.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police hinggil sa motibo sa naturang krimen habang patuloy ang manhunt at follow-up operation sa mga hindi pa pinangalanang mga suspek. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.