NASA ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng Setyembre ng kasalukuyang taon.
Inianunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna parin ng kinakaharap na problema sa pandemya ng bansa dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19.)
Nasa mahigit 220,000 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ang naitala ng Department of Health (DOH), kung saan nasa 157, 562 ang gumaling sa virus habang nasa bilang na 3,558 ang nasawi.
Sa recorded speech ni Duterte, sinabi nito na ang mga lalawigan ng Bulacan, Batangas at mga lungsod ng Tacloban at Bacolod ay mananatili rin sa GCQ sa loob ng isang buwan.
Ang Iligan City ay isasailalim naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa modified general community quarantine (MGCQ).
Magsasagawa naman ng mas mahigpit na lockdown restrictions ang iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) sa kani-kanilang mga nasasakupan sa loob lamang ng labing-apat na araw.
Ang Metro Manila ay nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.