NBI, nagsasagawa na ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Bree Jonson

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson, na natagpuang patay sa isang resort sa La Union. 

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, nitong Huwebes ay isinagawa ang autopsy sa labi ng artist bunsod na rin ng kahilingan ng pamilya. 

Nagtungo na rin sa crime scene ang mga ahente ng NBI at forensic team para sa mas malalim na imbestigasyon.

Si Jonson ay natagpuang patay sa loob ng isang resort. Kasama nito sa resort si Julian Ongpin, anak ng businessman na si Roberto Ongpin. 

Duda ang pamilya ng biktima na nagpakamatay ang anak dahil mayroong mga gasgas at galos si Ongpin. 

Katwiran naman ni Ongpin, nakuha niya ang mga galos matapos niyang tangkain na sirain ang maliit na bintana sa banyo nang makita niya ang wala nang buhay na si Jonson. 

Lumitaw naman sa initial findings ng medico-legal report na may mga indikasyon na nanlaban ang biktima.

Si Ongpin ay kinasuhan ng possession of illegal drugs matapos makuhaan ng cocaine sa loob ng inookupang silid.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.