NBI, hindi minamadali ang report sa Dacera case

Share this information:

HINDI umano nagmamadali ang National Bureau of Investigation (NBI) na tapusin ang report kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. 

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, patuloy ang NBI  sa mga isinasagawang DNA test. 

Aniya, tiyak naman na maisusumite  ng NBI ang report bago pa matapos ang preliminary investigation ng Makati Prosecutor’s Office. 

Paliwanag ni Guevarra, nais ng NBI na masagot ang lahat ng misteryo sa pagkamatay ni Dacera kaya  mas maingat ito  sa imbestigasyon. 

Magugunitang idineklara ng Makati Police na rape with homicide ang  Dacera case subalit  matapos ang ilang linggo ay inilabas  ang medico-legal report na natural death ang ikinasawi ni Dacera. 

Hindi naman tinanggap ng kampo ni Dacera ang findings ng Philippine National Police (PNP) at iginiit na inabuso at pinatay si Dacera. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Manila Cathedral, inialok bilang vaccination site

Wed Feb 3 , 2021
Inialok ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang Manila Cathedral sa Intramuros, Manila upang maging isa sa mga COVID-19 vaccination sites ng pamahalaang lungsod ng Maynila . Sa pulong na isinagawa sa pagitan nina Pabillo at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kahapon, kasama sina Vice Mayor Honey […]

Follow Us

%d bloggers like this: