Manila Cathedral, inialok bilang vaccination site

Share this information:

Inialok ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang Manila Cathedral sa Intramuros, Manila upang maging isa sa mga COVID-19 vaccination sites ng pamahalaang lungsod ng Maynila .

Sa pulong na isinagawa sa pagitan nina Pabillo at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kahapon, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna,  Fr. Marthy Marcelo, at Fr. Jun Abogado sa Pope Francis Hall ng Manila Cathedral, nagpahayag rin ang mga lider ng simbahan ng suporta sa vaccination plan ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Pabillo kay Domagoso na ang Manila Cathedral ay maaaring gamiting vaccination site ng lokal na pamahalaan mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Pinasalamatan naman ng alkalde si Pabillo at mga lider ng simbahan dahil dito.

“We thank Bishop Pabillo and the leaders of the Church for offering us the cathedral as a vaccination site. Napakahalaga nito because we need inoculation spaces,” anang alkalde.

“Meron na ang Maynila, pero it’s good to have more options so we can ensure the efficiency of the process and the convenience of the people,” aniya pa.

Sa ngayon, sinabi ng alkalde na isasama na ng lokal na pamahalaan ang Manila Cathedral sa vaccination roadmap ng lungsod. Aniya, “mag-re-redesign kami ngayon ng aming mga plano para mas maraming ma-vaccinate sa lalong madaling panahon.” 

Sa sandali aniyang matanggap na ng Manila City government ang mga COVID-19 vaccines na inaprubahan at inawtorisa ng Philippine national government, uunahin nilang bakunahan ang mga medical frontliners sa loob lamang ng tatlong araw.

Kaagad rin isusunod ang iba pang priority groups, gaya ng mga senior citizens at iba pang kabilang sa vulnerable sectors gaya ng mga informal settler families (ISFs).

Samantala, pinuri rin naman ni Pabillo ang vaccination plan ng city government, lalo na at iniaalok ng lokal na pamahalaan ng libre ang bakuna para sa mga residente.

“Ako’y humahanga rin na may plano na ang city para magbigay ng vaccination na libre sa mga taga-Maynila. Ito po ay isang magandang development at makakaasa po tayo dito,” pahayag pa ni Pabillo. 

Hinikayat rin niya ang mga Manilenyo na huwag matakot na magpabakuna dahil malaking tulong aniya ito upang makaiwas sa matinding epekto ng COVID-19.

“Sana po ang mga tao ay huwag po matakot sa vaccination, sa vaccine, dahil ito ay makakatulong po sa atin upang makaiwas po at mapalakas ang ating sarili at hindi tayo masyadong ma-infect ng sakit na ito,” aniya pa.

Dagdag pa niya, maaari ring gawing vaccination sites ng Manila City government ang mga Catholic schools. “Andyan po ang sakit pero maiiwasan natin ito. Magiging malakas ang ating panlaban sa sakit na ito. Salamat po kay mayor sa mga plano niya na magkaroon ng vaccination sa buong lungsod ng Maynila,” anang obispo.

Una nang sinabi ni Domagoso na intensiyon ng city government na makapagtayo ng 18 mass vaccination site na araw-araw na magbibigay ng bakuna.

Target anila nilang makapagbakuna ng hanggang 1,000 katao kada araw sa bawat vaccination site o 18,000 katao kada araw o 540,000 katao sa loob ng isang buwan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Not our ship -- China

Wed Feb 3 , 2021
THE Chinese Embassy in Manila has disowned the so-called “Chinese dredging ship MV Zhonhai 68,” adding that their government does not have any record of its registration. In a statement, embassy officials said that their initial investigation on the identity of MV Zhonhai 68 showed that the ship is not […]

Follow Us

%d bloggers like this: