Navotas LGU nagbigay ng computers, cash sa mga guro

ISINABAY sa selebrasyon ng Navotas Teachers Day ang pamimigay ng pamahalaang lungsod ng mga computer unit at cash sa mga guro ng pampubliko at pribadong paaralan.

Nasa kabuuang 123 master teachers ang nakatanggap ng laptop computers at 24 public elementary at high schools naman ang nakakuha bawat isa ng desktop.

Ang Navotas Science High School ay nakatanggap din ng 24 desktop computers para sa kanilang computer laboratory.

Ipinahayag ni Mayor Toby Tiangco ang kanyang pagpapahalaga sa mga guro ng lungsod at iba pang school personnel.

“We are fortunate to have educators who go beyond their duty to ensure that our youth get the best education, whatever the circumstances are. Indeed, they are our modern-day heroes,” ani Tiangco.

Though we cannot be with them personally, we hope this online celebration will make them feel how much we appreciate them,” dagdag pa ng alkalde.

Samantala, pinuri din ni Congressman John Rey Tiangco ang mga tagapagturo ng lungsod dahil sa kanilang pagtitiyaga at masipag na pagdidisenyo sa pagpapatupad ng NavoSchool blended learning model.

“Navotas gained national limelight because of our NavoSchool-in-a-box. Our model showed that with or without the pandemic, learning must continue,” pahayag ng kongresista.

Bukod sa mga computers, nagbigay din ang Tiangco brothers ng P200,000 cash prizes kung saan 50 teachers ang nanalo ng tig-P500, 50, ang tig-P1,000, 20, ang tig-P2,000, 5, ang tig-P3,000 at isa ang nagwagi ng P10,000.

Ipinagdiwang ng lungsod ang Navotas Teachers’ Day tuwing ikalawang Biyernes ng Disyembre base sa Municipal Resolution No. 2006-02.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.