Breaking News

Share this information:

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki na nakuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief Samuel Mina Jr., ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon alyas “Empoy,” 46 anyos, at Emar Villanueva, 44 anyos, pintor, kapwa ng 154, Bagong Barrio.

Ayon kay Col. Mina, nagsagawa ng verification ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Julius Villafuerte hinggil sa natanggap na text message mula sa concerned citizen na ipinadala sa National Capital Region Police Office (NCRPO) SMS hotline “Isumbong Mo Kay RD!”.

Pagdating sa Consejala St., Brgy. 154, Bagong Barrio dakong alas-12:20 ng madaling araw ay nakita ng mga pulis ang dalawang nakatayong lalaki na walang suot na face mask.

Nang lapitan ng mga pulis upang alamin ang kanilang pagkakilanlan para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay tumakbo ang mga suspek at tinangkang tumakas kaya’t hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner at maaresto.

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang 6 na sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 18.66 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P126,888.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of the Revised Penal Code at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: