Nasa 700,000 pamilya sa Maynila, makakatanggap ng food packs

NASA 700,000 pamilya ang makakatanggap ng food packs mula sa lungsod ng Maynila kada buwan. 

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, titiyakin niya na walang Manileño ang magugutom sa gitna ng pandemya kaya inilunsad ang COVID-19 Food Security Program. 

Ang isang food pack ay may laman na 3 kilo ng bigas, 16 na de lata at kape. 

Naniniwala si Domagoso na may long-term effect ang pandemya kaya sinikap ng pamahalaang lungsod na mamigay ng food packs upang hindi magutom ang mga Manileño. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.