Nakumpiskang mga smuggled mackerels ipapamahagi sa mga nasalanta ng bagyo

MAAARING maisama bilang ayuda sa mga nasalanta ng bagyo ang mga nakumpiskang imported na sardinas.

Ito ang sinabi ng Bureau of Customs (BOC) kung saan nasa mahigit kalahating milyong kilo ng frozen mackerel mula China ang nasabat at isasalang sa pagsusuri.

Layon ng pagsusuri para malaman kung ligtas para sa human consumption sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio,  kapag natiyak ng BFAR na ligtas kainin ang naturang mga isda ay ibibigay ito sa Department of Agriculture (DA).

Malaki umanong tulong ang tone-toneladang isda para tugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mga biktima ng bagyong Kristine, ani Agriculture Secretary Francisvo Tiu Laurel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.