ILANG kalsada sa lungsod ng Maynila ang isasara na simula ngayong gabi para sa panggunita ng Undas 2024.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Maynila, simula alas 7 ng gabi hanggang Nobyembre 3 ay hindi na madadaanan ang mga sumusunod na mga kalsada ng:
- Kahabaan ng Aurora Blvd. mula Dimasalang Rd. Patungong Rizal Ave.
- Kahabaan ng Blumentritt Rd. mula A. Bonifacio Rd. patungong P. Guevarra St.
- Kahabaan ng Retiro St. mula Dimasalang Rd. hanggang Blumentritt Ext.
- Kahabaan ng Maceda St. mula Makiling St.hanggang Dimasalang Rd.
- Dimasalang Rd. mula Makiling St. hanggang Blumentritt Rd.
- At P. Guevarra St. mula Cavite St. hanggang Aurora Blvd.
Magkakaroon naman ng rerouting ng mga sasakyan.
Maaring dumaan ang mga magtutungo sa La Loma at Chinese Cemeteries sa Rizal Ave., o kaya sa J.Abad Santos Ave., patungo sa paroroonan.
- Kakaliwa sa Cavite St. o kaya ay kakanan sa Cavite St., at kakanan sa Leonor Rivera patungong destinasyon ang lahat ng mga manggagaling sa Blumentrit road.
Maari namang dumiretso ang lahat ng trailer trucks/heavy vehicles mula A.H. Lacson Ave. at Dimasalang Rd., sa Yuseco St. patungong destinasyon.
- Lahat ng mga magmumula sa Dimasalang Rd. at Blumentritt Rd. ay pwedeng kumaliwa sa Makiling St., diretso sa Blumentritt Ext. patungo sa kanilang destinasyon.
Dahil sa pagsasara ng mga kalsada sa Manila North Cemetery, may inilaang parking areas sa mga sumusunod na lugar:
– P. Guevarra St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.
– F Huertas St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.
– Oroquieta St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.
- Simoun St., mula Dimasalang Rd. hanggang Blumentritt St.
Samantala, nag-inspeksyon na rin si Manila Mayor Honey Lacuna sa MNC , umaga ng Miyerkules kung saan inikot nito ang loob ng sementeryo.
Muli namang ipinaalala ng alkalde na huwag nang magdala pa ng mga ipinagbabawal upang hindi maabala sa pagpasok ng sementeryo na inaasahang dadagsain ng mga dadalaw sa kanilang yumaong mahal sa buhay.