Nakalabit ng 7-taong gulang na kapatid: Grade 5 pupil patay sa shotgun

Share this information:

PATAY ang isang 10-taong gulang na babae matapos mabaril ng shotgun nang maaksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang 7-anyos na babaeng kapatid sa Lutayan, Sultan Kudarat araw ng Miyerkules, Abril 7, 2021.

Hindi na umabot sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktima na natukoy na si Angel Bliss Pututan, grade 5 pupil at naninirahan sa Purok Pag-Asa, Barangay Palavilla.

Ayon sa imbestigasyon ng Lutayan Municipal Police station, pinaglaruan ng magkapatid ang isang homemade shot gun habang nasa kanilang bahay kubo sa bulubunduking bahagi ng Sitio Makapol sa nabanggit na barangay.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakalabit umano ng nakababatang kapatid ang gatilyo ng baril kung saan direktang tumama sa dibdib ang bala nito sa biktima.

Sinasabing walong tama ng bala ang natamo ng biktima sa nangyraing accidental firing at kaagad nabitawan ito ng kanyang kapatid.

Napag-alaman na nasa 100 metro ang layo ng ina at stepfather ng biktima sa bahay kubo dahil namumutol umano ng kahoy ang mga ito para sa gagawing uling’ bilang pangkabuhayan.

Narinig na lamang nila ang malakas na putok ng baril na nanggagaling sa kanilang kubo at nang tingnan ang mga bata ay nakahandusay na si Angel at naliligo sa sariling dugo. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung paano napasakamay ng mga bata ang baril na sinasabing pag-aari ng kanilang amain.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Word war between Jinggoy, JV

Thu Apr 8 , 2021
THE sons of the ailing former President Joseph Ejercito Estrada traded barbs on social media following the confinement of the actor turned politician, who recently tested positive for COVID-19. In a social media post, former senator JV Ejercito didn’t mention any name but seemed to be referring to his half-brother […]

Follow Us

%d bloggers like this: