Doktor dinakip sa paglabag sa health protocol

Share this information:

PANSAMANTALANG nakalaya na mula sa pagkakakulong sa Cainta Police detention cell ang isang medical health worker na umanoy inaresto ng pulisya dahil sa paglabag nito sa health protocol.

Nakapag-piyansa si Doctor Jayson Paringa para sa kanyang mga kaso na isinampa ng Cainta Police gaya ng oral defamation, paglabag sa RA 151, alarm and scandal at ang hindi pagsunod sa itinatadhana ng Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines o ang minimum health protocols.

Nabatid kay Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director Col. Joseph Arguelles, hinuli si Doctor Paringa noong araw ng Martes, Abril 6, 2021 nang dumaan sa isang itinalagang Quarantine Control Point na naka pang suot na cyclist.

Hiningan umano siya ng Identification card at ipinakita naman ito sa mga nagbabantay na pulis.  

Pero bago pa man maka-lagpas ng checkpoint ang doctor ay sinabihan muna siya ng mga pulis na hindi ito naka facemask at face shield na dahilan naman ng biglaang pagka-hysterical nito

Sa puntong iyon ay agad na inaresto ang doktor sa pangyayari.

Kaugnay nito ay biniberipika na rin ng Camp Crame ang ulat kung saan sinasabing naihalo si Doctor Paringa sa mga inmates na kasalukuyang may sintomas ng COVID-19.

Napag-alaman na si Doctor Paringa ay agad namang pinalaya matapos makapagpiyansa ito kinabukasan subalit hindi muna siya isinailaim sa medical checkup kung nagdadala na ito ng COVID-19 infections o wala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Nakalabit ng 7-taong gulang na kapatid: Grade 5 pupil patay sa shotgun

Thu Apr 8 , 2021
PATAY ang isang 10-taong gulang na babae matapos mabaril ng shotgun nang maaksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang 7-anyos na babaeng kapatid sa Lutayan, Sultan Kudarat araw ng Miyerkules, Abril 7, 2021. Hindi na umabot sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktima na natukoy na si Angel Bliss Pututan, grade […]

Follow Us

%d bloggers like this: