Nakaidlip na rider, bumangga sa nakaparadang truck, patay

Share this information:

NASAWI ang isang rider matapos bumangga ang kanyang sasakyan sa isang nakaparadang truck habang nagmamaneho sa Silang, Cavite Linggo ng madaling araw.

 Di-umano ay naka-idlip ang rider kaya’t huli na nang mapansin nito ang truck.

Isinugod pa sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si Bernie Evardone Pajanustan, 28 anyos, ng 92 Dorys Apartment, Malagasang Road, Malagasang Imus City, Cavite subalit idineklara itong dead on arrival. 

Kinilala naman ang driver ng truck na si alias Allang ng Asuki Construction sa Aguinaldo Highway, Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi ng Silang Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang naganap ang insidente kung saan binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite.

Patungo ang biktima sa pa-timog na direksiyon nang nakaidlip umano ito at rumampa ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumangga sa nakaparadang truck ni alias Allang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.