Nakaambang demolisyon sa Malabon, pinapipigil ng PCUP

Share this information:

PINAPIPIGIL ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang nakaambang demolisyon at ebiksyon sa Barangay Potrero, Malabon City bunsod ng pagpapatupad ng Waterways Project dahil sa hindi nito pagdaan sa ligal at wastong proseso.

Ayon  kay  PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin Feliciano, hindi dumaan  sa  tamang  proseso  ang  nakatakdang  paggiba  sa  mga  kabahayan  na  matatagpuan  sa  gilid  ng  Tullahan  River.

Sinabi rin ng  opisyal  na  lumiham  na  siya  sa  City  Administrator  ng  Malabon  at  sa  National Capital Region Police Office (NCRPO) upang  pigilan  ang  demolisyon,  na  iligal  dahil  hindi  pa  tapos  ang  Pre-Demolition  Conference (PDC) na isinasagawa ng PCUP.

Ipinahayag ni Usec. Feliciano na malinaw na nakasaad sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum No.  2017-18 na kailangan matapos ang naturang proseso bago isagawa  ang paggiba, alinsunod  din  sa Urban Development and Housing Act (UDHA).

Tinatayang aabot naman sa 147 pamilya ng informal settlers sa Barangay Potrero, Malabon ang nanganganib na  mawalan ng tirahan dahil sa Waterways Project ng pamahalaang lokal.

Ipinaalam ni Usec. Feliciano na alinsunod sa DILG Memorandum,  “pinagdidistansiya” ang  mga  pulis hangga’t  walang ipinapalabas na PDC  Certificate sa lugar na target ng demolisyon at ebiksyon

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.