Naitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa, mas mababa na sa 400

TINATAYANG nasa 389 ang average na naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa nakalipas na isang linggo.

Iyan ay makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 2,726 na mga bagong kaso ng COVID-19 mula nuong Marso 21 hanggang 27.

Ayon sa DOH, mas mababa ng 24-porsyento ang average na 389 kada araw kumpara sa mga naitalang kaso mula nuong Marso 14 hanggang 20.

Sa mga bagong kaso, walang malubha at kritikal ang karamdaman, gayunman, nakapagtala ang DOH ng 752 na pumanaw sa virus nuong nakaraang linggo.

Batay pa sa COVID-19 case bulletin ng DOH, mayroon pang 758 na mga pasyente na malubha at kritikal ang nananatili sa mga pagamutan.

Samantala, iniulat din ng DOH na sa kabuuang 3,204 na ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, nasa 484 o 15.1% ang okupado.

Nasa 16.7 porsiyent ng 27,547 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.