Naitalang bagong COVID-19 cases sa PNP, pumalo sa 166

PATULOY pang nadaragdagan ang bilang ng mga miyembro ng Philippine National Police na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling ulat ng PNP Health Service kahapon, umabot ng 166 ang mga bagong kaso ng virus infection sa hanay ng pulisya.

Dahil dito, pumalo na sa 2, 524 ang aktibo nilang kaso ng COVID-19 mula sa kabuuang kumpirmadong 16,770 cases.

Nasa 99 sa bagong kaso ay ang mga nakatalaga sa Camp Crame at NCRPO habang 67 naman mula sa iba’t-ibang police regional offices.

Samantala, 238 naman ang mga bagong gumaling sa sakit sa PNP habang walang nadagdag sa mga nasawi na ngayon ay nananatili sa 40. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.