Healthcare workers na may COVID-19, mahigit 16,000 na

Share this information:

UMAABOT na ngayon sa kabuuang 16,266 ang pinakahuling bilang ng mga healthcare worker na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa tala ng Department of Health, 95.2% o 15,489 sa nagkasakit na healthcare workers ay gumaling na rin o mayruong 694 ang aktibong kaso o nagpapagaling.

Gayunman, umaabot na sa 83 ang mga medical frontliners na nasawi dahil sa virus infection.

Sa hanay ng mga aktibong kaso, 523 ang mild cases; 144 ay asymptomatic o walang nararamdaman sintomas; 12 ay nasa severe condition; 8 ang nasa kritikal na kondisyon; at 7 ang nasa moderate na kalagayan.

Ayon sa DOH, ang mga nurse pa rin ang nangunguna sa hanay ng healthcare workers na nagkasakit ng COVID-19, sinundan ng mga doktor, nursing assistant at medical techonologists.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.